The Philippine Entertainment Portal (PEP) reports that Aiza Seguerra will be in Singapore to join the cast of Avenue Q and promote her latest album "Open Arms":
Ibinalita ni Aiza sa PEP na this month, pupunta siya sa Singapore to promote her album. Magkakaroon din siya ng mini-show sa HMV, isang chain ng record stores sa Asia, at sa isa pang big record store sa Singapore.
"Medyo magtatagal ako doon dahil ipalalabas sa Esplanade Theater ang Avenue Q na kasama ako sa cast. Nasa Singapore ako from October 31 to November 16. Except for Rachel Alejandro, buo ang cast ng Avenue Q. I'm going there for the play at isasabay na lang ang promo ng album," pagbabalita ni Aiza sa PEP.
Binalikan ni Aiza kung paano siya na-discover sa Singapore. Kuwento niya, nagpadala ng samplers ang Star Records sa iba't ibang record labels sa Asia at ang S2S ang unang nag-respond. Nagustuhan nila ang ipinadalang sampler, tumawag sa Star Records at nakipag-set ng meeting with Star Records people.
"May pumunta ritong taga-S2S at pinanood ang gig ko sa Metro Bar at yun, tuluy-tuloy na. Dito ako nag-recording at photo shoot at taga-rito rin ang band na kasama ko; si Mike Villegas ang guitarist ko, si Angelo Villegas, at Junjun Regalado.
"Nagpunta ako sa Singapore at nag-show ako for the distributors. Ako lang mag-isa. Nakakakaba dahil first time kong mag-show na ang audience ay Singaporeans, Chinese, and Japanese. I stayed there for three days at okey naman," lahad niya.
Ano ang reaction niya nang malamang malakas ang benta sa Singapore ng album niyang Open Arms?
"Nakakatuwa at nakakagulat," sagot niya. "Parang weird din dahil meron daw akong big billboard sa Orchard Road. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na magugustuhan nila ang album. Hindi ko ini-expect, basta alam ko enjoy lang akong tumugtog at kumanta. Happy ang mga taga-S2S at Star Records at happy din ako."
May 12 cuts ang Open Arms, na ang carrier single ay ang "Home" ni Michael Buble. Ang ilan pa sa mga kantang nakapaloob sa album ay "Vincent;" "Time After Time;" "Journey" na kasama sa OST ng Chinovela na Dolphin Bay starring Ambrose Hsu and Angel Zhang; "At Last;" "Over The Rainbow;" ang title track, at iba pa. Kasama rin dito ang ang Tagalog song na si "Para Lang Sa ‘Yo."
Related Links:
Philippine Entertainment Portal (PEP)
Cast of Avenue Q Manila & Singapore
Avenue Q Singapore
0 comments:
Post a Comment